BAGUIO CITY – Pitong drug personalities ang nadakip sa buy-bust operation na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement-Cordillera na nagresulta ng pagkakakumpiska ng shabu at marijuana na nagkakahalagang P78,800 hapon nitong Linggo, Setyembre 4, sa Barangay Quirino Hill,Baguio City.
Kinilala ni Gil Castro, regional director ng PDEA, ang nadakip nakalista bilang isa sa mga High Value Target ng PDEA na si Lyca Ananayo Kimmayong, 32, vegetable dealer, alyas Celia Kimmayong, ng East Quirini Hill, Baguio City.
Kabilang din sa nasakote sina Nhap Gilbert Bulayang duyan, 31, helper, mula La Trinidad, Benguet; Thum Claude Gadang Baddan, 21, laborer, ng Block. 7, East Quirino Hill, Baguio City; Maribel Ofiana Parica, 50, saleslady; Norilyn Bayawoc Bermudez, 46, online seller, ng 192 Pinsao Proper, Baguio City; Jacky Bernardino at Norben Ablania Cagang, 38, construction worker.
Ayon kay Castro, matagal na nilang sinusubaybayan ang bahay ni Kimmayong na pinaniniwalaang ginagamit umanong drug den, hanggang isagawa nila ang buy-operation dakong alas 5:20 ng hapon, na sinasihan nina DOJ representative Atty. Ayochok at Kagawad ng Barangay East Quirino Hill, Baguio City.
Nakumpiska sa loob ng mga operatiba ang anim na piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng suspected shabu na may timbang na one gram at may halagang P6,800; isang block na dried marijuana, may timbang 600 grams na may halagang P72,000; mga assorted drug paraphernalia; several cellphones at buy-bust money.
Inaasahang sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.