Nanawagan sa pamahalaan ang isang senador na ipamahagi na ang ₱9 bilyong fuel subsidy para sa mga magsasaka na apektado ng mataas na gastos sa pagtatanim at patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Idinahilan ni Senator Imee Marcos,ilang buwan na ang nakararaan mula nang ihayagng Department of Budget and Management na may cash aid na₱5,000 ang aabot sa 1.6 milyong magsasaka.
Gayunman, wala pa rin silang natatanggap hanggang ngayon.
“Huwag nang i-time deposit ang pondo ng mga magsasaka at hindi naman 'yan para tumubo ng interes sa bangko. Paspasan na ang pag-release niyan, ngayon din,” anito.
Katunayan, anumang oras puwede nang ilabas ng Land Bank of the Philippines ang nasabing subsidiya. Gayunman, ibinibitin lang ng umano’y problema ng DA sa ID system nito para sa mga magsasaka.