Ipinagmalaki ng isang residente mula sa Mauban, Quezon ang naispatan niyang mahabang buwig o kumpol ng saging sa kanilang lugar sa Sitio Kamagong, Brgy. Cagsiay Uno.
Sa kaniyang Facebook post, sinabi ni Victor Cruz nang sukatin ang haba nito, umaabot umano ito sa dalawang metro ang haba.
![](https://cdn.balita.net.ph/wp-content/uploads/2022/09/victor-cruz-1.jpg)
Napag-alamang ang naturang puno ng saging ay pag-aari ng isang nagngangalang "Edgardo Borromeo", at ang saging na may mahabang buwig ay tinatawag umanong "thousand fingers."
Ayon pa kay Cruz, kaya umanong mamunga ng hanggang isang libong piraso ng saging ang ganoong variety.
![](https://cdn.balita.net.ph/wp-content/uploads/2022/09/victor-cruz-2.jpg)
Sey naman ng mga netizen, pang-Guinness Book of Records daw ang naturang mga saging.