Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si dating Energy Regulatory Commission (ERC) chairperson Agnes Devanadera bilang acting president, chief executive officer ng Clark Development Corporation (CDC).
Ito ang kinumpirma ng Office of the Press Secretary nitong Sabado.
Bukod dito, itinalaga rin siyang miyembro ng Board ng nasabing government-owned and controlled corporation (GOCC).
Si Devanadera ay dating chairperson ng ERC sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at naging kalihim din ito ng Department of Justice (DOJ) at Solicitor General ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Pinangangasiwaan ng CDC ang Clark Freeport Zone sa Central Luzon.