BAGUIO CITY -- Nakumpiska ng anti-illegal drugs operatives ng Baguio City Police Office ang may kabuuang halaga na₱238,998 ng umano'y shabu at marijuana sa naarestong 28 drug personalities mula Agosto 1 hanggang 31.
Ayon kay BCPO City Director Col. Glenn Lonogan, 19 High Value Individuals (HVIs) at 9 Street Level Individuals (SLIs) ang nadakip sa isinagawang 21 buy-bust operation.
Mula sa 28 drug personalities ay 20 kaso ang isinampa sa korte laban sa mga naarestong suspek para sa paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilala sa tawag na “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Sinabi ni Lonogan, ang matagumpay na operasyon laban sa pinaigting na illegal drugs campaign ay bunga ng kanilang mahigpit na paglaban sa lahat ng uri ng kriminalidad.
Pinuri niya ang mga operating unit sa kanilang walang humpay na pagsisikap na sugpuin ang supply ng iligal na droga at makamit ng Baguio ang isang drug free city.