Pumirma na ng kontrata sa Advanced Media Broadcasting System Channel 2 (AMBS) ang singer-actress na si Toni Gonzaga-Soriano nitong Huwebes, Setyembre 1, 2022.
Kasama rin niyang pumirma ng kontrata ang kanyang asawa na si Direk Paul Soriano. Sila ay malugod na tinanggap nina Manuel Paolo Villar ng Prime Asset Ventures at AMBS President Maribeth Tolentino.
Ibinahagi ni Gonzaga ang kanyang panibagong milestone sa pamamagitan ng isang Instagram post nitong Biyernes, Setyembre 2.
"Thank you for the warm welcome AMBS. I’m so happy to be part of your family!" sey niya.
"I’m so excited for our partnership and I can’t wait to share with you ALL that we have been working on in the coming days," dagdag pa niya.
Bukod sa mag-asawang Soriano, nauna na ring pumirma ng kontrata sa nasabing network ang singer-songwriter at aktor na si Willie Revillame. Inaasahan na magbabalik telebisyon ang kanyang show na "Wowowin."
Samantala, usap-usapan din kamakailan ang pagkikita-kita nina Toni, Mariel Rodriguez-Padilla, at dating “Magandang Buhay” host na si Momshie Karla Estrada sa isang dinner.Makikita ang kanilang litrato sa Instagram post ni Mariel noong Agosto 30.
“Thaaaaaank you soo much for a wonderful evening @celestinegonzaga and @karlaestrada1121,” caption ni Mariel.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/31/toni-mariel-at-karla-nagkita-kita-magiging-hosts-daw-ng-talk-show-sa-ambs/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/08/31/toni-mariel-at-karla-nagkita-kita-magiging-hosts-daw-ng-talk-show-sa-ambs/
Ang Advanced Media Broadcasting System o AMBS ay pagmamay-ari ng business magnate at dating senador na si Manny Villar, na ama naman ng senador na si Mark Villar.