Pangmalakasang nagbabalik ang P-pop powerhouse SB19 na muling nagpamalas ng kanilang versatility sa bagong tunog ng kanilang latest single na “WYAT (Where You At).”

Nag-premiere sa iba’t ibang music platform ang brand new track ng grupo nitong tanghali ng Biyernes na tumabo na sa halos 300,000 views sa video streaming giant na Youtube pa lang, sa pag-uulat.

Pagbabahagi ng ilang A’tin, ang track ay nauna nang pinerform ng grupo sa nauna nilang online concert.

Kamangha-mangha namang atake sa retro disco style na tunog ang offering ng SB19 na tinapatan pa ng dekalidad at world class na music video sa pangunguna ng creative director nitong mismong si SB19 Justin, ang bunso ng grupo.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Positibo namang tinanggap ng milyong-milyong fans sa buong mundo ang pagbabalik ng grupo sa music scene.

Sa Setyembre 17 magbabalik ang grupo sa Aranet Coliseum para sa kick-off ng kanilang WYAT World Tour.