Sinampahan ng kasong rape si comedian-host Vhong Navarro kaugnay ng umano'y panggagahasa sa model na si Deniece Cornejo sa Taguig City noong 2014.

Ang kaso ay iniharap ng Taguig Prosecutor's Office sa Taguig City Regional Trial Court nitong nakaraang Miyerkules, Agosto 31.

Sa charge sheet, binanggit na nilasing at ginahasa umano ni Navarro si Corneje sa condominium unit nito sa Taguig noong Enero 17, 2014.

Isinagawa ang paghahain ng kaso matapos aprubahan ng Court of Appeals (CA) ang petisyon ni Cornejo na kumukuwestiyonat nagpapa-review sa kaso na nauna nang ibinasura ng Department of Justice (DOJ).

Ogie Diaz, pinayuhan ang BINI na 'wag nang mag-Jabbawockeez ulit

Binanggit ng DOJ, kaya nila ibinasura ang kaso laban kay Navarro dahil sa magkakasalungat na testimonya ni Cornejo.

Gayunman, kinontra ito ng CA na nagsasabing mas makabubuting sa korte na lamang ipagtanggol ni Navarro ang sarili.Matatandaangnaging kontrobersyal ang usapin na nagresulta sa pambubugbog kay Navarro ng mga kaibigan ni Cornejo na kinabibilangan ni Cedric Lee.

Bugbog-sarado at tinalian pa si Navarro nang i-turnover ito ng grupo ni Lee sa Southern Police District (SPD).

Binanggit ni Cornejo sa kanyang testimonya na ginahasa umano siya ni Navarro sa loob lamang ng 60 segundo.

Noong Hulyo 2018, hinatulang makulong ng hanggang tatlong taon sina Lee, Cornejo at Jed Fernandez dahil sa kasong grave coercion kaugnay ng pambubugbog kay Navarro.