Nanawagan ang isang grupo ng healthcare workers sa bansa na ibigay na ang matagal nang hinihintay na allowance.

Partikular na umapela ang Alliance of Health Workers kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa gitna ng pahayag nito na taasan ang bilang ng mga nurse na mag-a-abroad.

Tiwala rin ang grupo na maglalabas ng direktiba ang Pangulo na nag-aatas sa Department of Budget and Management (DBM) na ilabas na ang badyet upang maipamahagi.

"Sa kabuuan siguro almost 60 percent ng mga health workers ang hindi nakatatanggap. Kaya malungkot at demoralized ang ating mga health workers," banggit ni AHW National President Robert Mendoza sa panayam sa telebisyon nitong Biyernes.

Nauna nang inamin ni Marcos na hindi sapat ang mga nakukuhang benepisyo ng mga health worker, at nangakong magiging bukas angkanyangopisina para makipagdayalogo at tugunan ang mga matagal nang isyu ng mga nurse sa bansa.