Hindi pa rin makapaniwala si Jelyn Tabangay Galleno, ina ng biktima, na kumpirmadong si Jovelyn ang kalansay na natagpuan ng awtoridad.

Sa bagong episode ng "Raffy Tulfo in Action," isinapubliko nila ang isinagawang deoxyribonucleic acid (DNA) test sa biktima at lumalabas na 99.99% na si Jovelyn ang buto na natagpuan.

"Based on the results, the DNA profile obtained from the cut femur (1334-22-A3072) is consistent with having come from the biological offspring of Jelyn Tabangay Galleno, mother of Jovelyn Galleno (1334-22-A3073). The probability of parentage for this case is 99.99%," resulta ng eksaminasyon ng Philippine National Police (PNP).

Hindi naman ito inaasahan ni Jelyn kaya't nabigla siya at hindi pa rin matanggap.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

"Hindi pa rin po ako kumbinsado… hindi po ako kumbinsido na maniwala, sir," ani Jelyn.

"Nagulat din po ako at nabigla sa nangyari po, sir. Hindi ko po kasi akalaing na gano'n agad kabilis ang pangyayari," dagdag pa ng ina ng biktima.

Samantala, dumating naman ang National Bureau of Investigation (NBI) Forensic Manila nitong Agosto 31 upang kumuha ng mga sample ng kalansay upang isailalim din sa pagsusuri.

Taliwas sa nararamdaman ng ina ng biktima, hindi na ikinagulat ng kapatid ni Jovelyn na si Jonalyn ang naging resulta ng DNA test na isinagawa ng kapulisan.

"Sa katunayan po, sir, ako talaga, hindi na ako nabigla sa resulta at hindi na rin po kasi ako naghihintay ng resulta na galing sa PNP. Sa katunayan po talaga, 'yung inaabangan ko po is 'yung sa ibibigay na resulta ng NBI," ani Jonalyn.

Ayon kay Raffy Tulfo, hindi aabot ng isang linggo bago lumabas ang resulta ng isinasagawang eksaminasyon ng NBI.

Matatandaan na si Jovelyn ang naiulat na nawawala umano sa loob ng isang mall sa Puerto Princesa, Palawan kamakailan.

Sa ulat ng Radyo Bandera Philippines ng Puerto Princesa, kinilala ang suspek na si Leobert Dasmariñas at itinuro nito ang kasama niya sa krimen na si Jovert Valdestamon na bagong laya umano sa kulungan, ayon sa una. Sila ay pareho umanong pinsang buo ni Jovelyn.

BASAHIN: Jovelyn Galleno, ‘ginahasa’, ‘pinatay’ ng pinsang buo; ‘bangkay’ ng dalaga, bungo at kalansay na nang matagpuan

Pagkatapos daw gahasain ni Valdestamon si Jovelyn, sumenyas sa kanya ang suspek na lumapit siya sa pinangyarihan ng insidente. Doon ay nakita niyang wala nang buhay ang dalaga.