Isa pang gintong medalya ang naiuwi ni Pinoy pole vaulter Ej Obiena nang mamayani sa St. Wendel City Jump nitong Huwebes ng madaling araw.

Pinitas ni Obiena ang medalya matapos lundagin ang sa 5.86 meters na tumabon sa dati niyang rekord na 5.71 meters.

Bago niya napanalunan ang naturang medalya, tatlong beses munang sinubukang abutin ang 6.0 meters, gayunman, nabigo ito at bumagsak na lang sa 5.86 meters.

"Third attempt on opening height made this competition even more breathtaking. As always the competition atmosphere was amazing and thank you for having me," banggit ni Obiena sa kanyang Facebook post.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Magbabalik sa aksyon si Obiena sa annual athletics event naMemorial van Damme na gaganapin saKing Baudouin Stadium in Brussels,Belgium sa Setyembre 2.

Sasabak din ito sa ISTAF sa Berlin, Germany sa Setyembre 4, at Golden Fly seriessa Phuket, Thailand sa Setyembre 11.

Nitong nakaraang Miyerkules, humablot din ng gintong medalya si Obiena saInternationales Stabhochsprung-Meeting sa Germany.

Tinalo ni Obiena sa nasabing series event sinaTokyo Olympics silver medalist Chris Nilsen (United States) at Kurtis Marschall (Australia).