Makaboboto na ang mga preso o persons deprived of liberty (PDL) sa mga eleksyon, partikular sa local elections.
Ito ay matapos ibasura ng Korte Suprema ang petisyon laban sa Comelec Resolution 9371 na naglalaman ng patakaran at regulasyon sa pagpapatala at pagboto ng mga bilanggo sa May 2030 national at local elections at sa mga susunod pang botohan sa bansa.
Dahil dito, binawi rin ang temporary restraining order ng SC noong 2016 laban sa naturang resolusyon.
Sinabi naman ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, ang hakbang ng kataas-taasang hukuman ay paniniguro ng pagkakapantay-pantay ng lahat sa paglahok sa halalan.
Kabilang sa makikinabang ang mga preso o PDL na naghihintay pa ng sentensya, ang mga nahatulan na wala pang isang taon na pagkabilanggo at umaapela sa ibinabang hatol.