IFUGAO - Patay ang isang magsasaka nang matabunan ng gumuhong lupa ang sinilungangbahay ng kapatid sa kasagsagan ng malakas na ulan sa Mayoyao nitong Miyerkules.

Kinilala ng Mayoyao Municipal Police Station ang magsasaka na siRenie Omayho Bullan, 37.

Sa police report, nagtungo si Bullan sa bahay ng kapatid sa Sitio Natulan, Barangay Mongo nitong Agosto 31 upang kunin sana ang kanyang motorsiklo sa gitna ng malakas na ulan.

Dahil wala pa ang kanyang kapatid, nagpasya muna itong hintayin. Gayunman, biglang nagkaroon landslide at natabunan ang bahay kaya ito na-trap.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kaagad namang nagsagawang search and rescue operations ang tauhan ngMunicipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Ifugao Provincial Police Office, Bureau of Fire Protection, at iba pang volunteers.

Nitong Huwebes, nahukay din ng mga awtoridad ang bangkay ni Bullan.