Pabor ang batikang showbiz columnist na si Manay Lolit Solis na ibalik ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa mga paaralan.

"Alam mo Salve type ko iyon ibalik ang ROTC sa school. At type ko rin kung magkakaroon ng mandatory military service dito sa Pilipinas," sey ni Lolit sa kanyang Instagram post nitong Huwebes, Setyembre 1.

"Ewan ko ba pero ang taas ng tingin ko talaga sa police at military, dahil siguro maganda naman mga naging encounter ko sa kanila. Wala pa akong naging bad experience sa sinuman member ng military o police.

"Lahat ng na meet ko magalang at polite, lalo na ang mga bagong members. Kahit nga iyon mga babae sa military very outstanding din ang record," paglalahad pa niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Chika pa niya na bukod sa mga doktor ay crush na crush daw niya ang mga military men. 

"Kaya aside from mga doctors, isa pang crush na crush ko mga military men, kasi di ba, mukha talaga silang person of authority pag nakikita mo. Kaya nga siguro kung dalaga lang si Salve ihanap ko siya ng BF na military, at si Randolf naman ihanap ko ng policewoman, hah hah." sey ni Manay.

"Talagang dahil wala ako magawa, hayan wild na naman imagination ko, magagalit si Aries na love na love ang daddy at mommy niya. Bongga," dagdag pa nito.

Matatandaang isa sa mga mungkahi noon ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte na ibalik ang ROTC at CAT sa mga paaralan. Ilang mga mambabatas din ang sumang-ayon dito.