Hindi na matutuloy ang investment deal sa pagitan ng ABS-CBN at TV5, ayon sa inilabas na opisyal na pahayag ng dalawang TV network ngayong Setyembre 1, 2022.
Matatandaang noong Agosto 10, 2022, nagkapirmahan na ang dalawang partido tungkol sa investment deal sa pagitan ng ABS-CBN at TV5, gayundin ang kanilang mga cable channels na Cignal at Sky Vision.
Sa pamamagitan ng kanilang "investment agreement", makakukuha ang Kapamilya Network ng 34.99% ng total voting and outstanding capital stock mula sa Kapatid Network. Ang MediaQuest naman, na 99.67% ang pagmamay-ari sa TV5, ay makakakuha ng 64.79%.
Bukod dito, naisarado na rin ang deal para sa Cignal at Sky Cable na ganito rin ang magiging sistema. Binili ng Cignal ang is Exchangeable Debt Instrument mula sa Sky Cable na nagkakahalagang ₱4.388B, na nagbigay ng option sa Cignal na makakuha ng dagdag na 61.12% sa shares ng Sky Cable.
Pumalag naman dito ang isa sa mga solon na nanguna noon sa imbestigasyon tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN na si Cong. Rodante Marcoleta, kaya agad na nagkaroon ng muling briefing tungkol dito sa Kongreso.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/11/ang-kapatid-ay-kapamilya-partnership-ng-abs-cbn-at-tv5-natuloy-na-marcoleta-umalma/">https://balita.net.ph/2022/08/11/ang-kapatid-ay-kapamilya-partnership-ng-abs-cbn-at-tv5-natuloy-na-marcoleta-umalma/
Kaya naman, nagdesisyon na lamang ang dalawang TV network na i-terminate ang mga napirmahang kontrata noong Agosto 10 para sa kapakanan ng dalawang network.