Hindi sinipot ni dating First Lady Imelda Marcos at ng tatlong anak nito, kabilang na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang huling pagdinig ng Sandiganbayan sa kinakaharap nilang ill-gotten wealth case.

Sa naturang hearing, nabigo ang kampo ng pamilya Marcos, kabilang sina Senator Imee Marcos at Irene Marcos-Araneta, na magharap ng ebidensya dahil walang mga abogadong kumakatawan sa mga ito.

Kabilang din sa akusado sa kaso si Don Ferry na wala ring dumating na mga abogado sa kinakaharap nilangCivil Case No. 0014 2nd Division ng anti-graft court.

Dahil dito, hiniling ng prosecution panel na ideklara ng korte na "isinusuko na ng mga akusado ang karapatang maghain ng mga ebidensya."

Kaagad namang inaprubahan ni 2nd Division chairperson Oscar Herreraang mosyon ng prosekusyon at sinabi ng hukuman na nabigyan naman nila ng abiso ang mga akusado para sa nabanggit na pagdinig.

Iniutos naman ni Herrera sa mga abogado ng ibang akusado na magsumite ng kanilang written memoranda para sa kanilang huling hakbang sa kaso.

“This case has been pending since 1987, so the period to file memoranda is non-extendible 30 days from today, after that, semi-considered submitted for decision,” giit ni Herrera.

Layunin ng kaso na marekober ang umano'y ill-gotten wealth ng pamilya ng namayapang dating Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na napasakamay ng mga ito dahil umano sa paggamit ng pondo ng bayan o ari-arian ng pamahalaan.