Hindi na nakapalag sa mga awtoridad ang isang barangay kagawad nang salakayin ang kanyang bahay sa Baguio City nitong Huwebes, Setyembre 1.
Sa report na natanggap niPolice RegionalOffice-CordilleradirectorBrig. Gen. Mafelino Bazar,kinilala ang nadakip na si Francis Carpio Dagson, 57, at kagawad at taga-Irisan, Baguio City.
Inaresto si Dagson matapos salakayin ng mga tauhan ng Baguio City Police Office at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera ang kanyang bahay nitong Huwebes ng umaga.
Si Dagson ay nasa listahan ng PDEA bilang High-Value Individual (HVI) na pinaniniwalaang supplier at protector ng isang drug den na sinalakay din sa nasabing lugar nitong Agosto 2.
Narekober ng mga awtoridad sa bahay ng suspek ang pitong plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng₱88,400.00 at isang digital weighing scale.
Inihahanda na ng PDEA ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.