"The time has come" na raw para masampahan ng kaso ang mga taong gumagawa ng pekeng balita, ayon sa award-winning director ng pelikulang "Katips" na si Atty. Vince Tañada.

"The time has come for us to think of filing cases against fake news peddlers," saad ng abogado-direktor sa kaniyang Facebook post kahapon ng Miyerkules, Agosto 31.

Kaysa makipagbardagulan sa social media, ito raw ang mas magandang paraan upang masawata na ang pagpapakalat ng mga pekeng impormasyon at balita. Isa raw itong krimen.

"This is one way of fighting back which is more supreme than countering or answering them in social media. Let's call a spade a spade. What they do is a crime. Instituting legal proceedings is necessary. #StopLies #StopFakeNews," aniya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa comment section, marami naman ang sumang-ayon kay Atty. Vince.

"Eto hinihintay ko. Make a history Atty. Vince, be the first one who jailed a fake news peddler. You will be bigger than your movie."

"Laban! dapat they should file a case against these propagandists. Let them have a taste of the consequences of their actions. Masyado na silang confident to do kasi they can get away with it as if nothing happened."

"Yes please. We still haven't seen anybody who went to jail for peddling fake news."

Wala naman nabanggit ang direktor kung sinong "fake news peddler" ang nakatakda niyang kasuhan.