Simula ngayong Huwebes, Setyembre 1, magpapatupad ng bawas-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) ang ilang kumpanya ng langis.

Sa pahayag ng Petron Corporation, nasa ₱1.75 ang itatapyas sa presyo ng kada kilo ng kanilang LPG.

Aabot naman sa ₱1.62 ang ibabawas ng Solane sa presyo ng kada litro ng LPG.

Katulad ng Petron, ₱1.75 rin ang itatapyas ng Phoenix Petroleum sa presyo ng kada litro ng kanilang LPG.

National

Ilocos Sur, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Nasa ₱0.98 naman ang bawas-presyo sa kada litro ng Auto LPG ng Petron, gayundin sa Phoenix.

Idinahilan ng mga kumpanya ng langis ang paggalaw ng presyo ng LPG sa pandaigdigang merkado.