Sinabi ng dating senador na si Leila De Lima na hindi raw bully si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., hindi raw kagaya ng "insolent predecessor" nito.

"At least, PBBM is not into the habit of bullying institutions, including co-equal branches. Unlike his insolent predecessor," saad sa tweet ni De Lima ngayong Miyerkules, Agosto 31, 2022.

Sa kabilang banda, hangad ni De Lima ang "flexing of muscles" ng pangulo pagdating sa usapin ng katiwalian at kriminalidad.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

https://twitter.com/AttyLeiladeLima/status/1564862588789596160

"But we'd like to see more flexing of muscles vs. corruption and criminality," aniya.

Ang tinutukoy na predecessor ni PBBM ay si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nakabangga ni De Lima noong panahon ng panunungkulan nito, bilang kritiko. Sa panahon din ng kaniyang administrasyon, napiit si De Lima dahil sa isyu ng drug trafficking scandal noong siya ay nanunungkula bilang Justice Secretary.