Sinuspindi muna ng ilang lungsod sa National Capital Region (NCR) ang implementasyon ng kontrobersyal na no-contact apprehension policy (NCAP) kasunod na rin ng kautusan ng Supreme Court nitong Agosto 30.
Ganito rin ang hakbang ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nagsabing iginagalang nila ang kautusan ng kataas-taasang hukuman na nagpapatigilmuna sa pagpapatupad ng naturang sistema.
Kabilang lamang ang Quezon City, Manila City, Valenzuela,Parañaque at Muntinlupa sa dating nagpapatupad ng polisiya.
Kaugnay nito, magpapakalatmuna ng mga traffic enforcer ang mga nasabing lungsod upang maituloy ang paghuli sa mga lumalabag sa batas-trapiko.
Ipatutupad din ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema.
Ayon kay MMDA spokesman Crisanto Saruca, magdadagdag din sila ng mga tauhan sa mga pangunahing kalsada sa NCR upang bantayan ang mga pasaway na motorista.