Isang panalo na lang ang kailangan ng TNT laban sa San Miguel upang maiuwi ang inaasam na PBA Philippine Cup title.

Nitong Miyerkules ng gabi, hinablot ng Tropang Giga ang Game 5 kontra sa Beermen sa iskor na 102-93.

Sa first half, umabante ang TNT, 46-37, matapos ang lay-up ni Kelly Williams at napanatili nila ito, 53-50, sa second half.

Sa huling tatlong minuto ng final period, humahabol pa ang San Miguel, 91-95, matapos ang buslo ni Mo Tautuaa.

Pambansang Kamao Manny Pacquiao, nag-senti? Ilang netizens, todo-comfort!

Gayunman, pumasok ang nakapag-free throw si Poy Erram kaya nadagdagan pa ang abante ng TNT hanggang sa makuha nila ang panalo.

Nanguna si Mikey Williams sa TNT sa naipong 23 puntos, limang assists at apat na rebounds habang si Kelly Williams ay nag-ambag naman ng 21 puntos at siyam na rebounds.

Napakinabangan naman ang 17 puntos ni Erram, bukod pa ang pitong rebounds nito habang si RR Pogoy ay kumana ng 14 puntos.

Itinakda ang Game 6 sa Araneta Coliseum sa Miyerkules, Setyembre 2.