Nagpalabas ang Department of Education (DepEd) ng isang memorandum na magsisilbing gabay sa pagkuha o pag-hire ng mga guro sa mga pampublikong paaralan sa bansa nitong Martes ng gabi.

Batay sa naturang DepEd Memorandum No. 76, na nilagdaan ni DepEd Undersecretary at Chief of Staff Epimaco Densing III nitong Agosto 30, 2022, pinatitiyak ng kagawaran sa lahat ng Schools Division Office (SDO) na sila ay may sapat na bilang ng mga guro sa mga paaralan.

“The Department of Education issues DepEd Memorandum No. 76, s. 2022 or the Instructions on Teacher Hiring for School Year 2022-2023,” anang DepEd.

“In line with the opening of classes for School Year 2022-2023, the schools division offices (SDOs) are expected to ensure that all DepEd schools will have an adequate teacher workforce. Thus, this Memorandum shall provide guidelines in hiring teachers right for the job,” anito pa.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Nagpaalala rin ang DepEd na ang pagpili ng mga guro ay dapat na alinsunod sa mga prinsipyo ng merito, fitness, competence, equal opportunity, transparency at accountability.

Nabatid na bilang isang non-partisan organization, maaaring tumanggap ang DepEd ng endorsements mula kanino man.

Gayunman, hindi anila ito mangangahulugang mabibigyan sila ng prayoridad dahil dapat ay base pa rin sa merito ang proseso ng hiring o pagtanggap ng mga guro.

Samantala, naglabas din naman ang DepEd ng isang hiwalay na memorandum hinggil sa kompyutasyon ng proportional vacation pay ng mga guro para sa School Year 2021-2022.