Isang mobile clinic ang idinonate ng Department of Health (DOH) – Ilocos Region sa pangunguna ni Regional Director Paula Paz Sydiongco sa Dagupan City bilang bahagi ng pagpapatupad ng Universal Health Care (UHC) na may layuning higit pang paghusayin at palakasin ang ipinagkakaloob na serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan.

“This mobile clinic will be used for triage, consultation and medical examination of patients especially among vulnerable populations including those with chronic illness and residing in rural communities without access to healthcare facilities,”ayon kay Sydiongco, sa isang kalatas ng DOH-Ilocos Region na inilabas nitong Miyerkules.

“Sa pamamagitan nito ay maabot natin ang mga kababayan nating nakatira sa malalayong barangay at sila ay mabibigyan ng mga libreng serbisyong pangkalusugan gaya ng x-ray at basic laboratory examinations,” dagdag pa ni Sydiongco.

Nabatid na ang naturang mobile clinic ay mayroong x-ray room na may isang unit ng portable digital x-ray (100ma ) machine, dalawang units ng mobile negatoscope, isang unit ng clinical centrifuge, isang unit ng hemoglobinometer, medicine cabinet, dalawang emergency lights at dalawang fire extinguishers.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Binili ito sa ilalim ng General Appropriations Act of 2021 para sa health service capability ng mga UHC sites.

Mismong si Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez naman ang tumanggap ng naturang mobile clinic donation.

Nagpaabot siya ng labis na pasasalamat sa DOH dahil sa patuloy nitong suporta sa health care system ng lungsod.

Nabatid na ang Dagupan City ay kabilang sa 33 siyudad at lalawigan sa bansa na lumagda ng memorandum of support para sa advanced implementation ng UHC.