BATANGAS CITY -- Nasa 69 katao ang naaresto ng pulisya sa ibat ibang bayan ng Batangas resulta sa isang araw na One Time Big Time na implementasyon ng warrant of arrest, base sa ulat nitong Miyerkules.

Sa ulat ni Col. Pedro Solibo, Batangas Police provincial director na nagsagawa ng isang araw na simultaneous One Time Big Time na implementasyon ng Warrant of Arrest sa iba’t-ibang lugar sa Batangas, nitong Martes, Agosto 30.

Base sa datos na inilabas ng Batangas PPO, sa mahigit 500 operasyon, 69 na most wanted persons ang arestado kabilang dito ang tatlong nasa  Regional level, 12 sa Provincial level at tatlo sa City at pito sa Municipal Level.

Samantala, dagdag pa dito ang 44 huli sa iba pang wanted persons.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

“Layunin ng operasyong ito ay para mabawasan ang kriminalidad sa probinsya ng Batangas at upang matiyak ang kaligtasan ng publiko laban sa mga kriminal at iba pang sangkot sa mga ilegal na aktibidad”, ayon kay Soliba.