Naispatang nakiki-cheer kasama ng iba pang Pinoy audience si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa panonood ng laban ng "Gilas Pilipinas" kontra sa koponan ng Saudi Arabia, para sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers nitong Lunes, Agosto 29, sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

May be an image of 4 people, people standing and indoor
Larawan mula kay Ali Vicoy/Manila Bulletin

May mga netizen na pinuri ang akto ng pangulo dahil sa pagpapakita ng suporta nito sa Team Gilas Pilipinas.

"WALA NAMAN SIGURONG MASAMA SA GINAWA NIYA. ANG HIRAP MAGING PRESIDENT NG PHILIPPINES KASI BAWAL NA BAWAL KANG MAGING MASAYA. WALA KANG KARAPATAN MABUHAY NANG MASAYA. HIRAP TALAGA MAGING TALUNAN WALANG KALAYAAN ANG PUSO."

"Go Mr. President! Pagpapakita ng suporta 'yan sa Team Pilipinas, kaya rin siguro nakadagdag sa confidence nila. See? Nanalo sila. Saka syempre sa bansa natin ginawa ang laban, malamang na susuportahan niya ito."

"I can't see anything wrong sa ginawa ng pangulo. Tao pa rin naman siya in the first place, need din mag-unwind sa dami ng mga problemang kinahaharap niya sa bansa."

"KAHIT MARAMI TAYONG PROBLEMA ANG ATING BANSA ANDOON PA RIN YONG TIME NG ATING PBBM TO SUPPORT OUR NATIONAL TEAM BASKETBALL SA KANILANG LABAN, ISANG MALAKING KARANGALAN ITO SA MGA PLAYER NA NOOD NG LABAN AT SUMUPORTA ANG ATING PANGULO AT PARA LALO SILANG GANAHAN SA PAGLALARO."

"The presence of the President of the Republic is a big morale booster for the National Team and sports aficionados. Thank you Mr. President for your support!"

Kung may mga pumuri, marami rin ang bumatikos sa kaniyang ginawa.

"Ay daming time? Puro pagpapasarap itong pangulo na ito eh. Baka umattend pa sa victory party? Puro party na lang huh?"

"Sana pagbalik n'yo po sir BBM 20 pesos per kilo na ang bigas!"

"Great, when the going gets tough, party, party lang. How about this? Ginusto n'yo 'yan."

"Mabuti pa presidente natin nood-nood lang ng basketball samantala ang bayan muling naging talamak ang kriminalidad at lalong lumobo presyo ng mga bilihin. Lalong kawawa ang mga sana laylayan ng lipunan."

"Daming naghihirap, nagugutom sa mahal ng presyo ng bilihin at kawalan ng hanapbuhay, tapos 'tong presidenteng 'to puro pagpapakasaya inaatupag, tsk!"

May mga netizen pang nagpakita ng resibo na hindi lamang si PBBM ang pangulong nanood ng laro ng basketball ng Team Pilipinas, kundi maging si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Samantala, nanalo ang Team Gilas Pilipinas sa iskor na 84-46.