Balik na sa normal ang online services ng Social Security System (SSS) nitong Martes matapos masunog ang bahagi ng gusali nito sa Quezon City kamakailan.

Ipinaliwanag ni SSS spokesperson Fernan Nicolas, gagawin nila ang lahat upang maipagpatuloy ang normal operations ng ahensya nitong Agosto 30.

"Hopefully, ma-restore namin lahat by tomorrow morning," pahayag ni Nicolas nitong Lunes.Hindi aniyamapagbibigyan ng mga sangay ng ahensya ang ilang transaksyon, katulad ngsalary loan at maternity benefit claims ay maaari lamang iproseso sa online.

"Talagang purely online 'yan, kaya we are doing everything possible na by tomorrow morning mai-resume natin 'yung operation, kasi nga kahit tanggapin natin 'yan, 'di po namin mapo-process 'yan," sabi pa nito.

Nauna nang sinabi ngBureau of Fire Protection (BFP) na nagsimula ang sunog sa data center ng gusali ng ahensya nitong Linggo dakong 1:43 ng madaling araw.

Tiniyak naman ng SSS na walang nawalan datos sa insidente dahil mayroong silang backup server.