ILOCOS NORTE -- Bilang pagsunod sa direktiba ng Chief PNP na magsagawa ng crackdown laban sa mga ilegal na sasakyan, pinasimulan ni Provincial Director , PCOL Julius Suriben ang on-the-spot verification sa lahat ng sasakyan sa loob ng Ilocos Norte Police Provincial Office Headquarters, Camp Captain Valentin S Juan, Laoag City, Ilocos Norte nitong Martes.
Sinuri ng PNP, at sa koordinasyon ng Ilocos Norte Provincial Highway Patrol Team ang ilang sasakyan sa loob ng kampo.
Ang inisyatiba ng PD ay nagpapakita ng pangako ng lahat ng Manang at Manong Pulis ng Ilocos Norte na palakasin ang kampanya nito laban sa anumang uri ng kriminal na aktibidad.
Hinikayat din ng pamunuan ng INPPO ang Ilokano community na ipagpatuloy ang kanilang karaniwang suporta at kooperasyon sa Team INPPO at PNP sa kabuuan.
Nauna rito, inatasan na ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang PNP Highway Patrol Group (HPG) at lahat ng unit na maging mahigpit sa mga sasakyang walang plaka sa gitna ng mga insidente na kinasasangkutan ng mga puting van na ginamit sa mga tangkang kidnapping.
Sinabi ni Azurin na mabisang paraan para malabanan ito ay ang pakikipag-ugnayan sa Land Transportation Office (LTO) para palakasin ang kampanya laban sa car theft.
Hinikayat din niya ang publiko na mag-ulat kaagad kung sakaling may makita silang mga kahina-hinalang sasakyan para makaresponde kaagad ang mga awtoridad.