CAMP DANGWA, Benguet – Nadakip na ng pulisya ang isang magsasaka na tinaguriang No. 4 Regional Top Most Wanted Person na may kasong panggagahasa sa bayan ng Pinukpuk, Kalinga, umaga ng Martes, Agosto 30, ayon sa Police Regional Office-Cordillera.

Kinilala ni BGen. Mafelino Bazar, regional director ng PROCOR, ang nadakip na si Arnold Bayudang Baggay, 38, single, farmer at residente ng Sitio Sagsag, Barangay Taga, Pinukpuk, Kalinga.

Ayon kay Bazar, nadakip ang suspek sa mismong bahay nito dakong alas 8:30 ng umaga sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Jerson Angog, ng Branch 25, Regional Trial Court, 2nd Judicial Region Bulanao, Tabuk City, Kalinga sa kasong paglabag sa Republic Act 8353 (Anti-Rape Law of 1997) na walang kaukulang piyansa.

Nangyari ang insidente noong Mayo 2021 nang sekswal na inabuso umano ng akusado ang isang menor de edad na biktima sa kanyang bahay.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito