Sinabi ni dating Ifugao Rep. Teddy Baguilat, Jr. na may mga grupo nang nag-usap para maghain ng kaso laban sa mga umano'y nagpapakalat ng 'fake news.'

Nangyari ang pahayag na ito nang sagutin ni Baguilat ang tweet ng isang netizen hinggil sa hindi pag-aksyon ni dating Vice President Leni Robredo laban sa mga kumakalat na umano'y fake news. 

"Dear @lenirobredo, kung hanggang ngayon, puro pa-statement lang kayo at ng team mo, magpapatuloy lang ang fake news laban sa inyo," saad ng netizen.

"Mahal namin kayo pero para kayong kaibigan na ilang beses nang pinagsasabihan pero nagpapakatanga pa rin sa isang taong punung-puno ng red flags," dagdag pa niya. "Kung sasabihin ninyo na 'abogado kami, alam namin ginagawa namin', aba'y mananahimik na lang kami at hihintayin na lang kung anuman iyang gagawin ninyo."

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

https://twitter.com/CholoI_/status/1564229532613488641

Ayon kay Baguilat, may mga grupo na raw na nag-uusap para maghain ng kaso laban sa mga umano'y nagpapakalat ng fake news.

"Salamat sa mga concerns, FYI. Meron na group na nag usap at ang mga action ay: magfafile ng cases against sa nagkakalat ng fake news. Abangan. Fact checkers United. Recruiting volunteers to counter troll farms. @AngatKalikasan supports," saad ng dating senatorial aspirant.

"Natutunan naman natin ito nong last elections and Ma’m Leni has asked us to focus on fighting disinformation with concrete actions.

"Kaya nag uusap na mga groups. Kailangan Lang Meron mga magTimon at mag sulong ng plans. But gagalaw tayo. Para sa ating Bansa," paglalahad pa niya.

https://twitter.com/TeddyBaguilatJr/status/1564460721504600065

Matatandaan na usap-usapan sa social media na wala raw appointment si Robredo kay DSWD Secretary Erwin Tulfo nang mag-courtesy call ito sa kalihim noong Agosto 26, 2022. Ngunit ito ay pinabulaanan na ng dating bise presidente.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/29/robredo-umalma-sa-umanoy-fake-news-sa-pagbisita-niya-sa-dswd/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/08/29/robredo-umalma-sa-umanoy-fake-news-sa-pagbisita-niya-sa-dswd/