"Devastated" ang pagkakalarawan ng isa sa mga hurado ng "Idol Philippines" na si Chito Miranda, sa pagkaka-eliminate ng Idol hopeful na si Nisha Bedaña noong Linggo, Agosto 28.

Mataas ang iskor ni Nisha mula sa mga huradong sina Moira Dela Torre, Gary Valenciano, Regine Velasquez-Alcasid, at Chito Miranda, subalit nang i-combine na ang resulta ng text votes, ay nalaglag si Nisha at ang natira ay si Misha De Leon.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

https://twitter.com/idolphilippines/status/1563874411190829061

Hindi napigilan ni Chito na ipahayag ang kaniyang nararamdaman matapos mai-reveal ang resulta.

"I don’t know kung puwede kong sabihin ‘to pero we are devastated. We are devastated pero we can only do so much as judges pero iba pa rin talaga ‘yung voting. Wala akong masabi," ani Chito.

Pagkatapos ng show, muling sinabi ni Chito ang kaniyang nararamdaman sa pamamagitan ng tweet.

"Sasabihin ko ulit:"

"Devastated."

"As judges, we could only do so much."

"Nagkakatalo talaga sa votes."

"Please, please, please vote for your chickens," hikayat pa ni Chito.

https://twitter.com/chitomirandajr/status/1563879532322381824

Niretweet din niya ang Twitter post ng mister ni Judge Regine na si Ogie Alcasid tungkol sa hirap na dinaranas ng isang hurado sa isang singing competition, lalo na kapag may elimination. Si Ogie, ang isa sa mga orihinal na hurado ng Idol PH (Pinoy Idol pa) noong nasa GMA Network ito. Sa ngayon, isa siya sa mga hurado ng "Tawag ng Tanghalan" o TNT sa "It's Showtime".

"Ang hirap talaga pag may natatanggal lalo no kung sa tingin natin deserving siya to stay. #IdolPH2OgiePlaylist," ani Ogie.

https://twitter.com/ogiealcasid/status/1563875511981715463

Maging si Regine ay nagpahayag na rin ng kaniyang saloobin tungkol dito.

"Alam ko maraming nagulat sa inyo kami rin 😰 sabi nga ni @chitomirandajr devastated kami. Pero Ito talaga ang patunay na YOU guys have the power to choose who will be the next @idolphilippines so VOTE for your favorite," hikayat ni Regine.

https://twitter.com/reginevalcasid/status/1563900258106884097

Tweet naman ni Gary V, "It was a tough night for us and many of you who joined us tonight. But that’s why your votes are important. If you believe in someone, don’t just hope but vote for that hopeful to get in to the next round!!!"

https://twitter.com/GaryValenciano1/status/1563891096509222912

"Guys pls vote 😭" tweet naman ni Moira Dela Torre.

"Tweeting won't really help the ones you're rooting for. Next weekend, help us find the next idol. Our scoring can only do so much. We need YOU to vote."

https://twitter.com/moiradelatorre/status/1563879240088489985

Maging ang host nitong si Robi Domingo ay tila dismayado rin sa mga nangyari. Wala siyang binitiwang salita kundi "elipsis" lamang ang tatlong magkakasunod na tuldok sa kaniyang tweet, subalit natunugan ng mga netizen na ang tinutukoy niya ay ang naganap na resulta ng Sunday episode.

https://twitter.com/robertmarion/status/1563882162016858117