Maging ang suot na formal suit ng chef sa palabas, ekstrang pinuna ng internet star na si Nigel Ng o mas kilala bilang si Uncle Roger ang ilang detalye sa palpak aniyang Pinoy chicken adobo recipe ng American channel na “Food Network.”

Ang Malaysian stand-up comedian ay kilala sa kaniyang viral na mga Asian food reviews na sinasabayan niya ng kaniyang comedic stints.

Kiaya naman konsumisyon ang inabot ni Uncle Roger sa ilang tips ng American show kagaya ng bungad na pagpili ng low sodium soy sauce bilang marinating liquid ng adobo.

“Why? Low sodium soy sauce is sow sauce with less flavor,” agad na napuna ng online personality.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sunod na makikitang idinagdag ang ilan pang rekado kagaya ng suka, asukal, paminta sa marinating bag.

Ikinawindang naman ni Uncle Roger ang ginamit na uri ng sili sa recipe, ang banyagang habanero o isang uri ng sili na kilala sa bansang Cuba.

“What he putting in there? Habanero don’t even grow in the Philippines. What you’re doing, suit nephew?” nakakaaliw na reaksyon ni Uncle Roger.

Aniya pa, sana’y Filipino chili ang ginamit sa kilalang Pinoy dish.

Sunod na ikina-stress ni Uncle Roger ang luxury cooking pan na “Le Creuset” dahilan para muling marinig ang classic “haiyaa” expression ng online star.

“Spending money on sauce pan, spending money on expensive suit but ingredient for adobo wrong. Why don’t you spend on Filipino cookbook instead? Haiyaaa!”

Sunod na napansin ni Uncle Roger ang kakapiranggot na bawang kalakip ng asin at dagdag na paminta.

“That [is] too little, nephew suit guy,” pagtawag pa rin niya sa chef ng palabas.

“When Uncle Roger making adobo, I use like 10 or 20 whole clove of garlic. Just smosh the whole clove and throw in pot. For Asian cooking, garlic is like money: it’s never enough.”

Hindi rin nakaligtas kay Uncle Roger ang paggamit ng chef ng ilang technical terms.

Sunod ding ikinawindang ni Uncle Roger ang sobrang dami ng tubig sa dish at ang pagtawag sa “plain rice” bilang “rice without seasoning.”

“Just rice! Nobody say rice with no seasoning haiyaaa!” hysterical na saad ni Uncle Roger.

Hindi pa nagtapos ang pangungunsumi ng online star matapos dagdagan pa ng parsley ang halos masabaw nang adobo.

“Parsley don’t belong in Asian food. You’re making pasta!” na-stress na lang na saad ni Uncle Roger.

Lalo pa niyang ikinawindang ang paghahain ng sikat na Pinoy dish kasama ang hiniwang lemon.

Dahil sa kuwelang reaksyon ni Uncle Roger, agad na nag-viral ang kaniyang review na parehong kinaaliwan at ikinadismaya ng Pinoy netizens na natapat pa noong "Araw ng mga Bayani" noong Lunes.

“I could hear the tears of my Filipino ancestors crying at the very moment when the parsley was dropped on the plate. Haiya,” komento ng isang Pinoy follower.

“The Philippines is now officially breaking diplomatic ties with the US,” segundang biro pa ng isang netizen.

“This is hilarious😂it's the worst thing to buy low sodium soya sauce Asians don't like bland food😅uncle Roger is too funny🤣

“Yep! Uncle roger is right, adobo has so many variations that it is so hard to fuck it up. But this cook really fucked it up!”

“I just watched this as it's still our country's National Heroes Day... It definitely made our Ancestors and National Heroes triggered!”

“Just because Philippines always floods doesn't mean adobo should.”

“Finally. A video that made my Filipino ancestors cry. Uncle Roger covering all the Asian bases!”

Umabot na sa mahigit 1.4 million views at mahigit 100,000 reactions ang naturang review ni Uncle Roger.