Naglabas ng 'resibo' ang Executive Director ng 'Angat Buhay' na si Raffy Magno upang linawin ang umano'y fake news tungkol sa pagbisita ni dating Vice President at Angat Buhay Chairperson Leni Robredo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kamakailan.

(Raffy Magno/Twitter)

Sa ilang tweets, ibinahagi ni Magno ang ilang impormasyon tungkol sa pagbisita ni Robredo sa DSWD. Sinabi niyang may sulat sila na nagre-request umano ng meeting kasama si DSWD Secretary Erwin Tulfo.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

"Una, mayroon kaming sulat sa DSWD na nagre-request ng meeting kasama si Sec. Tulfo para pag-usapan ang mga posibleng pagtutulungan ng DSWD at Angat Buhay. The letter was duly received by his office. Mayroon din pong malinaw na pakikipag-ugnayan sa pagitan ko at ng kanyang staff," saad ni Magno kalakip ang isang screenshot ng text message mula sa opisina ni Tulfo.

Sabi pa ng executive director, sinabi ng staff ni Tulfo na imposible raw ang biglaang meeting sa DSWD.

"Pangalawa, kusa rin pong nagpadala ang staff ni Sec. Tulfo ng paglilinaw kung posible nga ba ang walk-in o biglaang mga meeting. Ang sinabi po niya sa akin via text message ay hindi, kaya imposible po na dumating lang kami roon nang biglaan lang," aniya.

Nilinaw rin nito na wala silang kasamang photographer kaya raw ishinare lamang nila sa Angat Buhay Facebook page ang mga larawan mula sa Facebook account ng kalihim.

"Pangatlo, wala po kaming kasamang photographer. This is why we only shared the photos in the Angat Buhay Facebook Page from Sec. Tulfo's Facebook account.

"Pang-apat, dumaan po kami sa main entrance papunta sa tanggapan ni Sec. Tulfo. Sa back exit na po kami dumaan pagkatapos ng meeting upang hindi makagulo sa operations ng DSWD," paglalahad pa ni Magno.

Samantala, nagpapasalamat opisyal ng Angat Buhay dahil sa umano'y mainit na pagtanggap ng DSWD sa kanila.

"Malinaw po ito sa akin dahil nandun po ako mismo sa meeting. Nagpapasalamat kami sa mainit na pagtanggap sa amin ng DSWD at excited na po kami sa future partnerships namin with them. Sana po ay hindi ito kinukulayan o ginagawan ng maling mga kwento ng iilan," saad ni Magno.

https://twitter.com/raffymagno/status/1564542843544166401

Nauna nang pinabulaan ni Robredo ang isyu hinggil sa kanyang pagbisita sa DSWD matapos pumutok ang balitang wala umano silang appointment sa ahensya.

“The truth: We wrote a formal letter addressed to Secretary Tulfo requesting for a courtesy visit. The OSEC staff got in touch with us and gave us a schedule. I went with Angat Buhay ED Raffy Magno. Not one photographer from us,” saad ni Robredo sa isang tweet.

“The only photographer present was the DSWD photographer. We just shared Sec Erwin Tulfo’s facebook post. Stop spreading fake news,” dagdag pa niya.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/08/29/robredo-umalma-sa-umanoy-fake-news-sa-pagbisita-niya-sa-dswd/

Kaugnay na Balita:https://balita.net.ph/2022/08/30/kaso-vs-nagpapakalat-ng-fake-news-aaksyunan-sey-ni-teddy-baguilat/