Ito ang nilinaw ng international Filipino fashion blogger at online personality na si Bryan Boy matapos pag-usapan sa TikTok ang komentong pag-aaksaya aniya ng panahon sa pagdalo sa simbahan.
“Yes, the rumors are true. Hindi po ako naniniwala sa Diyos ninyo. I’m not a Catholic. Like a lot of people in the world, I don’t believe in God, especially, I don’t believe in your God,” bungad agad niya sa isang maikling TikTok video na ibinahagi niya rin sa Facebook.
Sunod na ibinahagi ng internet star ang ulat ng National Geographic na “World’s Newest Major Religion: No Religion.”
Dito inilathala ang ilang bansang may mataas na porsyente ng populasyong atheists ayon sa 2017 poll ng Gallup International and Wolrdwide Independent Network of Market Research.
Kabilang sa listahan ang maunlad na mga bansang China, Japan, Sweden, Czech Republic, United Kingdom, Belgium, Estonia, Norway, Australia, at Demark.
“I know Philippines is a Catholic country but hello hindi lang naman Pilipinas ang bansa sa mundo,” aniya.
“Kung mapapansin ninyo, most of the religious people they live in poor countries like Africa, some parts of Asia and South America,” dagdag niya habang ipinapakita ang datos.
Kaya’t pakiusap ng fashion socialite sa netizens: “’Wag niyo na po isaksak sa baga ko ang pinaniniwalaan niyo. Kung naniniwala po kayo sa Diyos. Fine. I’m happy for you and I respect you. You have the right to believe in God and I also have the right not to believe in God.”
“Diyos niyo ‘yan, magdasal na lang kayo.”
Umani naman ng sari-saring reaksyon ang naturang rebelasyon ng online star.