Maaaring maharap sa hanggang limang taong pagkakakulong at multang P20,000 ang apat na TikTok users at isang social media influencer kaugnay ng paglabag umano sa Presidential Decree No. 247 o ang pagsira ng perang papel o barya.
Ayon sa isang ulat ng 24 Oras kamakailan, ang limang internet user ay sinubaybayan ng mga awtoridad online.
Ilang bidyo pa ng paglabag sa direktiba ang ibinahagi sa parehong ulat kung saan ang pagsira sa perang papel ay nakumpirma sa iba’t ibang pamamaraan kagaya ng intensyonal na pagpunit nito para sa isang eksperimento, pagbutas at paggamit nito sa ilang katuwaan o prank stints dahilan para hindi na ito magamit.
Matatandaan noong Abril, isang TikTok user din ang inireklamo sa BSP matapos silaban ang P20 bill at naharap sa paglabag sa a Article 154 ng Revised Penal Code against unlawful aggression at Cybercrime Prevention Act of 2022 ang kabilang sa mga reklamong inihain laban sa netizen.
Kaya payo ng mga awtoridad, “’Wag ma-fall sa, ‘Post now, iyak later.’”