Nanalo na naman ng gold medal ang kontrobersyal na Filipino Olympian at pole vaulter na si EJ Obiena sa True Athletes Classics sa Leverkusen, Germany nitong Linggo.

Dalawang beses munang nalundagan ni Obiena ang 5.81 metro bago niya natalo sa gintong medalya sina Rutgar Kopelaar (Netherlands) at Kurtis Marschall (Australia).

Sa kanyang social media post, sinabi nito na natuwa siya sa kanyang pagkapanalo, gayunman, nadismaya ito nang mabigong lundagin ang 5.95 metro. 

"We have boiled it down to some technical adaptations, which at these heights makes the difference between a miss or a make. Like anything in life, this is all about continual improvement," paglalahad nito.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ito na ang ikatlong sunod na pagkakataong nasungkit ni Obiena ang medalya sa loob lamang ng isang linggo kung saan ang una ay nakakuha ito ng gold medal sa Jockgrim sa Germany at bronze medal naman sa 2022 Athletissima sa Lausanne, Switzerland nitong Biyernes.