CAMP MARCELO A. ADDURU, Tuguegarao City – Nakiisa ang Police Regional Office (PRO)-2 sa bansa sa paggunita ng National Heroes' Day nitong Lunes, Agosto 29, na may temang “Kabayanihan Tungo sa Pagkakaisa at Pag-unlad."
Kinilala ng PRO-2 ang selfless service ng mga modern-day heroes na kinabibilangan ng mga frontliners na nagbuwis ng kanilang buhay sa panahon ng global health crisis.
Isang mensahe mula the Philippine National Police (PNP) chief Police Gen. Rodolfo S. Azurin Jr. na binasa ni Police Brig. Gen. Steve B. Ludan, PRO-2 director, binigyan-diin nito ang "MKK=K" peace at security framework.
Ang ibig sabihin ng MKK=K ay “Malasakit, Kaayusan, at Kapayapaan tungo sa Kaunlaran."
Hinikayat ni Azurin ang mga pulis na magkapit-kamay sa paghahangad ng pangmatagalang kapayapaan at pagkakaisa sa komunidad.
Idinaos sa PRO2 Heroes Memorial Headstone ang wreath-laying ceremony na pinangunahan ni Ludan bilang paggalang sa lahat ng mga bayani ng PNP na nagbuwis ng buhay sa tungkulin.