Sinabi ni Senador Risa Hontiveros na hindi raw dapat pagkaitan si dating Senador Leila De Lima na tumanggap ng mga bisita noong kaarawan nito, Agosto 27.

"Hindi dapat pinagkaitan si Sen. Leila de Lima na tumanggap ng mga bisita sa araw mismo ng kanyang kaarawan. Sen. Leila continues to be unjustly targeted for crimes she did not commit. Patuloy kong ipinapanawagan ang kalayaan niya," saad ni Hontiveros.

"Kung tutuusin, hindi na nga dapat nararanasan ni Sen. Leila ang mga inhustisya tulad nito dahil na rin sa pagbawi ng napakaraming witnesses ng kanilang mga testimonya," aniya pa.

Bukod dito, hindi raw nawawalan ng pag-asa ang senadora na makalalaya rin si De Lima.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

"Hindi talaga ako nawawalan ng pag-asa na lalaya si Sen. Leila sa lalong madaling panahon dahil unti-unting nabubunyag na isang malaking frame up lang ang mga kaso laban sa kanya."

Matatandaan na isa si Hontiveros sa mga hindi pinayagan ng Philippine National Police (PNP) na bumisita kay De Lima noong Agosto 27-- ika-63 kaarawan ng dating senador.

Kaugnay na Balita:https://balita.net.ph/2022/08/27/diokno-isa-sa-mga-hindi-pinayagang-bumisita-kay-de-lima-may-paalala-sa-pnp/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/08/27/diokno-isa-sa-mga-hindi-pinayagang-bumisita-kay-de-lima-may-paalala-sa-pnp/