Tumanggap na ng ayuda ang mahigit sa 153,000 na mahihirap na estudyante, ayon sa pahayag ngDepartment of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Lunes, Agosto 29.
Sa pahayag ng DSWD, mahigit sa₱387 milyong bahagi ng₱1.5 bilyong pondo para sa educational cash assistance ang napakinabangan ng nasabing bilang ng mga estudyante.
Kaugnay nito, sinabi ni DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, naging maayos na ang pamamahagi ng ayuda mula nang dagsain ng mga benepisyaryo ang mga tanggapan ng ahensya nitong Agosto 20."When it comes to the improvement, we can really attribute it with the coordination with the LGU, and of course, the coordination and the cooperation, of course, of would-be benefactors or beneficiaries of the DSWD," pahayag nito.
Nilinaw muli ng opisyal na hindi na nila tinatanggap ang walk-in applicants. Ang mga nakatanggap lamang ng text confirmation pagkatapos makapagrehistroonline ang pinapapasok sa payout center.
"Indeed, our kababayans adhered to our call not to troop, of course, our payout centers and this led to a better implementation of educational payout last Saturday," sabi pa ng opisyal.