Arestado ang tatlong indibidwal na pawang itinuturing na high-value individuals (HVIs) matapos makumpiskahan ng P5.44 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation sa Pasig City nitong Sabado ng hapon.

Ayon kay Pasig City Police officer-in-charge Col. Celerino Sacro, Jr., ang mga naaresto ay nakilalang sina Mohaimen Rangaig, 26, No. 5 sa Regional HVI Priority Database on Illegal Drugs at Matet Makebel, 33, kapwa taga-683 R. Castillo St., Brgy. Kalawaan, Pasig City.

Kasama rin sa inaresto si Isabel Tobosa, 26, helper at taga-Blcok 5, Lupang Arienda, Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal.

Dakong alas-5:05 ng hapon nang ikasa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pasig City Police ang buy-bust operation sa bahay nina Rangaig at Makebel.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Nauna rito, nakatanggap ang mga otoridad ng tip hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga suspek.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 13 na heat sealed transparent plastic sachet ng umano'y shabu na nagkakahalaga ng ₱5,440,000; isang digital weighing scale at dalawang ₱1,000 peso bill at boodle money.

Nakapiit na ang mga suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).