Damang-dama ni Filipino-American NBA star Jordan Clarkson ang hilig ng mga Pinoy sa basketball nang bisitahin nito ang pamosong Tenement court sa Taguig nitong Linggo ng umaga.

Dumagsa ang mga naghihiyawang fans sa naturang court upang masilayan si Clarkson sa unang pagkakataon.

Bukod sa autograph signing at pamamahagi ng mga bola sa nag-aabang na fans, nakihalubilo rin si Clarkson sa mga batang tuwang-tuwa sa pagpapakuha ng litrato.

Naging sikat ang Tenement court sa buong mundo dahil sa artwork nito na gawa ng mga local artist bilangpapuri kay Kobe Bryant nang bawian ito ng buhay sa helicopter crash sa California noong Enero 26, 2020.Bukod kay Clarkson, bumisita na rin sa lugar sina NBA stars LeBron James at Paul George noong 2015 kung saan sila nagsagawa ng basketball clinics.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kumpiyansa naman si Clarkson sa kampanya ng koponan nitong Gilas Pilipinas na sumasabak sa FIBAWorld Cup Asian qualifiers.

"It's been great. It's been something that I envisioned when I first went to Jakarta to watch the team play. It's finally coming to life," banggit ni0 Clarkson sa isang TV interview.

Tiniyak din ng nasabing Utah Jazz player na maglalaro siya sa World Cup sa susunod na taon kung saan magsisilbing host ang Pilipinas, Japan at Indonesia.

Nakatakdang sagupain ng Gilas ang Saudi Arabia sa Mall of Asia Arena sa Lunes, Agosto 29.