Masayang ibinalita ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Linggo na naging mas maayos at mas naging mabilis ang proseso nang pamamahagi nila ny educational assistance nitong Sabado kumpara noong Agosto 20.

Ayon may DSWD Secretary Erwin Tulfo, ito ay dahil na rin sa tulong ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at mga local government units (LGUs).

“Salamat una sa lahat sa Panginoong Diyos. Salamat kay DILG Secretary Benhur Abalos at sa kapulisan.  Maraming salamat din sa mga mayor at governor na nagpahiram ng facilities at mga tauhan sa city o municipal social welfare office," aniya, sa panayam sa radyo.

"Salamat din sa mga tao na nag-antay sa pila dahil naging pasensiyoso po sila at naiintindihan nila ang sitwasyon," dagdag pa niya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nabatid rin mula sa kalihim na nasa 66,000 beneficiary students ang natulungan nitong nakaraang Sabado na umabot sa halagang P168 milyon sa buong bansa. Aminado rin naman si Sec. Tulfo, na may kaunting problema pa silang kailangang ayusin.

Kabilang aniya dito ang pagdaragdag pa ng payout sites at kung papaano ma-accommodate yung walang cellphone o access sa internet.

“May mga lugar na mahina ang internet o di kaya ay walang load pang-register nila sa DSWD kaya kailangan na pagplanuhan ng mabuti kasi baka biglang dumagsa uli ang walk-in pag binuksan natin kaagad-agad," paliwanag ni Sec.Tulfo.

Nabatid na may apat pa na Sabado na magbibigay ang DSWD ng educational assistance o hanggang Setyembre 24.