Ang inakalang pagkawala ng isang dalaga mula sa Barangay Sta. Maria, Trento, Agusan Del Sur, ay isang prank lamang pala, pag-amin mismo ng babaeng nagngangalang "Bebeng Arcena".

Ayon sa ulat ng Brigada PH, sa naging panayam kay Bebeng, sinakyan lamang umano nito ang nauuso ngayon sa social media hinggil sa sunod-sunod na pagkawala ng mga tao.

Linggo, Agosto 21 nang mapaulat umano na nawawala ang dalaga, na nakapag-char pa raw sa pamamagitan ng Messenger. Siya pa umano ang nagsabi sa kaniyang pamilya na tinangay siya ng hindi kilalang lalaki. Agad naman itong naireport sa pulisya.

Agad naman siyang hinanap at napag-alamang hindi siya "natangay" kundi kusang dumalaw sa bahay ng kaniyang nobyo, na nasa Davao City.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Pinag-aaralan na umano ang karampatang parusang ipapataw kay Bebeng dahil sa perwisyong idinulot niya sa mga awtoridad gayundin sa kaniyang sariling pamilya. Ipinaalala naman ng mga kinauukulan na huwag gawing biro o prank ang mga ganitong uri ng krimen.