Matapos tamaan ng malakas na lindol nitong Hulyo 27, niyanig naman ng 5.2-magnitude ang Abra nitong Linggo, Agosto 28.

Sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), kabilang ito sa aftershocks ng 7.0-magnitude na pagyanig sa Abra nitong nakaraang buwan.

Dakong 2:27 ng madaling araw nang maramdaman ang nasabing pagyanig sa Pilar.

Ayon sa Phivolcs, lumikha rin ito ng apat na kilometrong lalim ang lindol na dulot ng tectonic.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Naramdaman naman ang Intensity 5 saBangued at Bucay sa lalawigan, at Banayoyo sa Ilocos Sur at Intensity 4 naman sa San Fernando sa La Union.

Naitala rin ang instrumental intensity sa mga sumusunod na lugar:Bangued sa Abra at Vigan City sa Ilocos Sur (Intensity 5), Sinait sa Ilocos Sur (Intensity 3),Gonzaga sa Cagayan, Laoag City at Pasuquin, Ilocos Norte (Intensity 2) at Intensity 1 naman saClaveria at Penablanca sa Cagayan, Santiago City sa Isabela, Tabuk sa Kalinga, San Jose sa Nueva Ecija, Urdaneta, Infanta at Sison sa Pangasinan, at Madella sa Quirino na pawang nakapagtala ng Intensity 1.

Nauna nang naiulat na naramdaman din ang pagyanig sa Baguio City at Lagawe sa Ifugao.

Inaasahan na ang Phivolcs ang pinsala ng naturang lindol.

Matatandaang nasa 11 ang naiulat na namatay at mahigit sa 600 ang nasugatan nang tamaan ng 7.0-magnitude na lindol ang Abra nitong Hulyo.