Humingi na ng paumanhin ang vlogger-social media personality na si Norme Garcia sa ginawa niyang "ligo challenge" na nag-viral sa social media, at nakarating sa kaalaman ng Land Transportation Office (LTO) Region XI na naging dahilan upang kastiguhin siya matapos umanong lumabag sa ilang mga panuntunan kaugnay ng pagmamaneho ng motorsiklo sa kalsada.

Sinabon umano ng ilang mga tauhan ng LTO ang vlogger/social media personality mula sa Tagum City, Davao del Norte, matapos nitong isagawa ang ligo challenge habang nagmamaneho ng motorsiklo. Makikita sa kaniyang video na binuhusan siya ng tubig mula sa timba ng kaniyang kaangkas na kasama mula sa kaniyang likuran.

Ayon sa ulat, nagtungo pa raw sa aktuwal na lugar ang investigation team ng LTO kung saan isinagawa ang video shoot at nalaman na ang kalsada ay isang barangay road na patungo sa isa pang barangay.

Ipinaalam umano sa influencer ang kaniyang mga paglabag, lalo't hindi rin siya nakasuot ng helmet nang isagawa ang ligo challenge.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/27/tiktoker-na-nag-ligo-challenge-habang-nagmamaneho-ng-motorsiklo-sinabon-ng-lto/">https://balita.net.ph/2022/08/27/tiktoker-na-nag-ligo-challenge-habang-nagmamaneho-ng-motorsiklo-sinabon-ng-lto/

"Good evening mga pangga, Alam ko maraming nag-aantay sa statement ko about the ligo challenge. Pero kasi I want to settle it privately muna as of now. Tatapusin ko muna lahat privately before mag-post ng anything about it," ayon sa kaniyang Facebook post noong Miyerkules, Agosto 24.

"I’m really willing to face any consequences about my actions kaya naki pag cooperate ako sa mga HPG and LTO. Thank you for your unending support and God bless," dagdag pa niya.

Sa kaniyang Facebook post noong Huwebes, Agosto 25, sinabi ni Garcia na "lesson learned" para sa kaniya ang mga nangyari.

"May mga pagkakataon talaga na magkakamali tayo pero sa bawat pagkakamali natin may lesson, may purpose lahat ang mga nangyayari," aniya.

"Kahit may personal problem akong pinagdadaanan ngayon hindi ko pa rin kakalimutan na magpasaya."

"Ito lang, alam ko di lahat sang-ayon sa akin dito o masaya para sa akin and okay lang 'yun kasi I can’t please everyone. May sarili kayong opinion and nirerespeto ko 'yan. Magandang umaga mga pangga."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Tuloy lang ang karera natin sa buhay, importante wala tayong inapakan na tao, I want you to know isa ako sa napasaya mo."

"In every 10 actuations Norme, one false move.. 'yun ang makikita kadalasan ng tao. We live in a world where negativity always exists. It's a lesson learned. Our LIFE is always a WORK in PROGRESS… and don't forget, in every game, Spectators always make the noise, you as a player (should) know how to execute the game perfectly so PLAY ON…"

"Pag-isipan mo na lang sa susunod ang content mo. Make sure wala ka ring malalabag na batas o panuntunan."