Unang virtual class at hiningan ng talent ang 18-anyos na estudyante ng Philippine College of Science Technology na todo-hataw naman sa isang TikTok inspired dance number.

Viral sa Facebook ang 24 segundong video ni Marc Ian De Guzman mula Calasiao, Pangasinan matapos niyang humataw sa sikat na “Daddy Tyga” TikTok dance craze sa unang virtual meet-up nila para sa kanilang “Introduction to Philippine Criminal Justice System” class noong Huwebes, Agosto 25.

Ayon kay Marc Ian, isang BS Criminology freshman, bahagi ng kanilang pagpapakilala sa klase ang pagpapakita ng talent.

Sa ibinahaging video ng binatilyo, makikitang tawang-tawa naman sa paggiling ng estudyante ang kaniyang titser.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ani Marc Ian, tuwang-tuwa aniya ang kaniyang mga kaklase at maging ang kaniyang titser ipinakita niyang kuwelang talent.

Paglilinaw pa ng future pulis, hindi rin niya hangarin na bastusin ang sinuman bagkus hangarin niya lang na magpasaya sa kanilang online classroom.

“Sana po walang magalit sa akin 😄Baka po akalain ng iba bigla na lang akong sumayaw sa kalagitnaan ng klase,” ani Marc Ian sa panayam ng Balita Online.

Nasa ilalim ng blended learning setup ang mga klase Marc Ian na aminadong hirap din minsan sa kalagayan ng internet sa bansa.

Sa pag-uulat, tinawanan na ng mahigit 23,000 reactions ang naturang video ni Marc Ian.