Pinaplano na ng gobyerno na gamitin ang Philippine Identification System (PhilSys) o National ID sa pamamahagi ng ayuda.

Ito ang isinapubliko ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa isinagawang deliberasyon sa House of Representatives nitong Biyernes kung saan inihirit din nito sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipagpatuloy lamang ang ipinatutupad na social protection program.

Gayunman, iminungkahi nito na itigil na ang pamamahagi ng ayuda na may kaugnayan sa pandemya ng coronavirus disease 2019.

"I think that should already be discontinued because we have actually fully recovered and because of the limited fiscal space,” aniya.

Nanawagan din ito na matugunan ang malaking problema sa "huge leakage" sa cash transfer program na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at unconditional cash transfers (UCT).

“The most efficient way to do this is by requiring all the citizens to have a national ID.We are thinking along the lines of maybe limiting the beneficiaries to those who have national ID,” ayon sa opisyal.

Matatandaangpinaaapurani Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pag-iimprentang national ID upang maipamahagina sa mga may-ari.