Malapit nang maging senior citizen ang premyadong aktor na si John Arcilla, ngunit inamin niyang umaasam-asam pa rin siyang magkakaroon siya ng anak at sariling pamilya, ayon sa panayam na isinagawa sa kaniya ni Ogie Diaz.

Nagkaroon daw ng seryosong relasyon noon si John, ngunit hindi na niya nabanggit ang espesipikong dahilan kung bakit hindi sila nauwi sa kasalan.

“Nagkaroon sila ng desisyon na hindi ko kayang kontrolin. Tapos, mayroon pang isa ulit na non-showbiz. Siguro may ibang plano sa akin ang Diyos," sey ni John.

Nausisa ni Ogie kung may plano pa raw siyang bumuo ng sariling pamilya. Ayon kay John, kahit 56 anyos na siya, kayang-kaya pa ng mga tuhod niyang makabuo; pero sa dami raw ng obligasyon ngayon, medyo nakakaramdam din siya ng takot.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

"Sa dami ng responsibilidad mo ngayon, parang natatakot ka na. At saka sa age bracket ko, parang nagdadalawang-isip na rin ako, although gusto ko pa rin. Walang problema. Hindi naman ako baog, eh."

Bukod dito, natalakay rin sa vlog ang death threats na natanggap niya dahil sa epektibong pagganap bilang "Renato Hipolito" sa katatapos lamang na longest-running teleserye sa kasaysayan ng Philippine television, ang "FPJ's Ang Probinsyano".

Nagdalamhati naman si John sa sunod-sunod na pagkamatay ng kaniyang mga mahal sa buhay dahil sa COVID-19.