Ang Kapamilya love team KDLex nina KD Estrada at Alexa Ilacad ang pinakahuling Pinoy celebrities na nag-landing sa isang digital billboard sa South Korea.

Kahanay ng onscreen couple ang ilang kilalang Korean idols kabilang ang Brave Girls, Yun, SF9 at si Kang Daniel.

Tinawag na “hottest musical pair” at “breakout love team of 2022” ang Kapamilya stars.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang aktres sa fans.

“This is awesome! I can’t believe pur faces are on a billboard in Korea! Thank you so much for making this happen, sweethearts Saranghae!” mababasa sa tweet ni Alexa nitong Biyernes.

Basahin: Morisette Amon, bida sa isang digital billboard sa Seoul sa South Korea – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang love team ang ikaapat na batch ng Pinoy artists na naitampok sa mga billboard sa hallyu wave center.

Nauna nang naka-iskor ng appearance sa ilang billboard South Korea ang Pinoy Pop powerhouse SB19, "Asia’s Phoenix" na si Morissette Amon at si “Unkabogable Star” Vice Ganda.

Basahin: Vice Ganda, umeksena muli sa isang digital billboard sa Seoul, South Korea – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang billboard ay hatid ng online voting platform na “Idolpick.”

Ang Idolpick ay isang voting platform para sa fans ng ilang artists para magkaroon ng exposure sa South Korea sa pamamagitan ng libreng digital advertisements sa mga terminal, at billboard sa ilang pangunahing distrito sa iba’t ibang bahagi sa kabisera ng bansa.