Lima ang inaresto ng mga awtoridad matapos maharang ang sinasakyang bangkang lulan ang₱1 milyong halaga ng puslit na sigarilyo sa Zamboanga City nitong Sabado.

Sa pahayag ni Col. Richard Verceles, operations chief ng Area Police Command-Western Mindanao, ang mga inaresto ay sinaNurhasi Jibal Said, 52; Julkipli Lamalan, 43; Tony Dahi, 32; Anam Dammang Said, 53; at Lijon Salad Albani.

Aniya, nagpapatrulya ang pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC) at pulisya, malapit sa Manalipa Island, dakong 9:30 ng umaga nang maharang ang bangkang FB Reana, lulan ang limang suspek.

Nang inspeksyunin, nadiskubre ang 30 na kahon ng sigarilyo at 13 kahon ng assorted noodles na nagkakahalaga ng₱25,500.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Kaagad na na kinumpiska ang kargamento matapos mabigo ang lima na makapagharap ng kaukulang dokumento.

Sa report, galing sa Jolo, Sulu ang kargamento at dadalhin sana sa Mabuhay,Zamboanga Sibugay nang masabat sila ng mga awtoridad.

PNA